Ibinahagi ng “Rock Legend” na si Bamboo Mañalac ang larawan nila ng “Popstar Royalty” na si Sarah Geronimo kaugnay ng paghahanda nila sa kanilang one-night-only showcase concert na idaraos sa Smart Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City sa Hulyo 7, 2023.

Sa Instagram post ni Bamboo, makikita ang larawan nila ni Sarah na all smile at tila mukhang chill na chill lang ang dalawang "The Voice of the Philippines" coaches.

Makikita naman sa caption ng nasabing post ni Bamboo ang link kung saan mababasa ang detalye at kung paano makabibili ang netizens ng ticket para sa kanilang concert.

Matatandaang kinagiliwan ng netizens ang naging pagpa-fan girling ni Sarah kay Bamboo noong una silang nagkita kaugnay para sa kanilang proyekto.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Excited naman na ang netizens na nagbigay-komento:

 “Hirap bumili ticket online pag wala credit card😢.”

“Huhuhu i wantttttt 🤧.”

“See u Coaches.”

“See you Coach❤️❤️❤️👍✌️🤞.”

“You are both excellent performers… can't wait for this to happen 😍.”

Kaniya-kaniya nang paninigurado ang netizens sa ticket dahil ilang araw na lang ay magaganap ang concert ng dalawang music coaches.

MAKI-BALITA: Magsasama sa concert! Sarah G nag-fan girling kay Bamboo