Ipinagtanggol ng aktor na si Joross Gamboa ang kaniyang co-actor na si Paolo Contis sa pelikulang "Ang Pangarap kong Oskars" laban sa bashers, matapos maganap ang kanilang media conference noong Hunyo.

Ayon kay Joross, si Paolo ang isa sa mga matitinong taong naka-engkuwentro niya. bagama't pinuputakti ng paghuhusga dahil sa kaniyang nagawa kaugnay sa mga naging karelasyon, hindi naman daw nangangahulugan nitong masamang tao na ang "Eat Bulaga!" host.

"Matino 'to si Paolo kumbaga palabiro lang siya and dahil nga 'yong mga issue it doesn't mean na masama siyang tao kaya 'yong mga namba-bash… Ang hirap magsalita eh, pero bilang kaibigan, ako, kilala ko si Pao personally," anang Joross.

Dagdag pa ni Joross, lahat naman daw ng tao ay nagkakamali.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

"We're just humans, we make mistake pero 'wag naman sana tayong i-judge through our mistakes kasi lahat naman tayo may karapatan sa second chance o third chance man lang," paliwanag pa ni Joross.

Matatandaang hanggang ngayon, hindi pa rin maka-move on ang mga tao sa isyu ng hindi umano pagbibigay ni Paolo ng sustento sa kaniyang mga anak kay Lian Paz, pakikipaghiwalay kay LJ Reyes, at ang pakikipagrelasyon kay Yen Santos.

MAKI-BALITA: Paolo Contis naokray na naman: ‘Mamimigay ng papremyo, hindi ng sustento’ 

MAKI-BALITA: Paolo Contis, inaming dyowa na si Yen Santos, pero di raw dahilan ng hiwalayan nila ni LJ Reyes 

MAKI-BALITA: Relasyon nina Paolo Contis at Yen Santos sandamakmak pa rin ang haters