Nagpasabog ng kaseksihan ang Kapuso star na si Sanya Lopez bilang guest performer sa ginanap na makasaysayang pagsasanib-puwersa ng Kapamilya at Kapuso artists kahapon ng Sabado, Hulyo 1, 2023, para sa grand launching ng “It’s Showtime” sa GTV. 

Sa Instagram post ni Sanya, makikita ang mga larawan niya at mga kuhang kaganapan  kahapon sa programang “It’s Showtime” na opisyal nang napanood sa GTV.

Nagpasalamat naman si Sanya sa madlang people at itinuturing na one for the books ang experience niyang iyon.

Totally one for the books! Thank you Madlang People!” aniya.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Maraming netizens naman ang nakapansin sa kaniya kahapon na nagbigay-komento:

“Happy to see you on the Kapamilya stage 💖😁 Kakaiyak the power of collaboration 🔥.”

“😍😍😍 so proud of you! 👏👏👏.”

“ACKKKK GRABEEE KA KAHAPONNN ANG GANDA GANDA MOOO.”

“Ganda,sobrang saya kahapon sa its showtime,❤️😍.”

“PAKA GANDA MO!!!!!!!!”

“Ang galing nyo sa dance floor ni barbie.”

Matatandaan namang isa si Sanya sa marami pang GMA artists na nakapag-perform kahapon sa nasabing show.