Nakatanggap ng special box ang mga “soon-to-be ninong” na sina Joey de Leon at Tito Sotto mula sa “soon-to-be-wed couple” na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde.

Ibinahagi nina Joey at Tito sa kani-kanilang Instagram account ang larawan nila kasama ang magkasintahan habang hawak ang natanggap na special box.

Sa Instagram post ni Joey, sinabi niya na ang Hulyo ang magiging isa sa pinaka-memorable na buwan ngayong taon para sa kanila.

“The month of JULY will surely be one if not the most memorable this year—-The Dabarkads moving to TV5, the 44th Anniversary of our beloved “Eat Bulaga” and the “very special day” of our inaanaks Arjo and Maine! So honored and thankful! 💙💙💙,” ani Joey.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Nagkomento naman ang magkasintahan sa naturang post ni Joey.

“Ninong Joey ❤️❤️❤️,” ani Maine sa comment section.

“Thank you po Sir Joey! :) thank you po talaga!” komento naman ni Arjo.

Naglagay naman si Tito sa kaniyang Instagram post ng caption na: “All set for July! 🔔”

“Ninong Tito ❤️❤️❤️,” komento naman ni Maine sa post ni Tito.

Matatandaang Hulyo rin ng nakaraang taon nang ianunsyo nina Maine at Arjo ang kanilang engagement.

MAKI-BALITA: Arjo Atayde, Maine Mendoza, engaged na!