Tila naging emosyonal umano ang actress-host na si Maja Salvador sa nangyaring pagbabalik telebisyon nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon (TVJ) kasama ang “legit Dabarkads” sa pamamagitan ng bago nitong tahanan na TV 5.

“🥲 naiyak ako....,” ani Maja sa kaniyang Twitter post nitong Sabado, Hulyo 1.

“Loveyou Tito Sen! Loveyou Bossing! Loveyou Boss Joey!” saad pa niya kasama ang hashtags na #TVJsaTV5 #LegitDabarkads.

Mula 2021 hanggang Abril 2023, naging bahagi si Maja bilang host ng “Eat Bulaga!” kasama ang TVJ noong nasa GMA Network pa ang mga ito.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Matatandaang Mayo 31 naman nang ianunsyo ng TVJ sa pamamagitan ng programang “Eat Bulaga!” ang kanilang pagkalas sa producer nitong TAPE, Incorporated, na pagmamay-ari ng pamilya Jalosjos.

MAKI-BALITA: ‘What’s next?’ TVJ emosyunal na nagpaalam, kumalas na sa TAPE, Inc.

Sinundan naman ang naturang pangyayari ng anunsyong lilipat ang TVJ at iba pang “legit Dabarkads” sa TV5.

MAKI-BALITA: TVJ emosyunal sa pagtanggap ng TV5: ‘Kumatok kami, pinagbuksan n’yo kami ng pintuan!

Sa premiere episode nitong Sabado, ibinahagi ng hosts na “E.A.T.” ang magiging titulo ng kanilang programa sa bago nilang tahanan.