May bagong paparating na kanta ang singer na si JM Bales na inanunsiyo niya sa kaniyang Instagram post nitong Sabado, Hulyo 1, 2023.

Sa Instagram post ni JM, makikita ang kaniyang larawan na bukod sa bago nitong kanta ay tila bago rin ang kaniyang looks dahil sa hairstyle niya.

Nakilala si JM sa hit song nitong “Magandang Dilag” kung saan maraming binibini ang kinilig sa nasabing kanta.

new song coming 🎵,” mababasang caption sa Instagram post.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Ang looks naman ni JM ang pumukaw sa netizens na nagbigay-komento:

“It fits you po.”

“Grabe ang gwapo ng isang jm 😍😍.”

“Napaka pogi... 😍.”

“damn!!!!! yasss brotha 🤼‍♂️💫.”

“Hanggwapo! 😍.”

“New hair style ❤️❤️❤️.”

Una namang nakilala si JM nang sumali ito sa kilalang music competition ng bansa na “Tawag ng Tanghalan” sa It’s Showtime noong taong 2020.