Guest ni dating Manila City Mayor "Yorme" Isko Moreno Domagoso ang Kapamilya star na si Gerald Anderson sa kaniyang showbiz -oriented talk show vlog na "Iskovery Night" na nasa season 2 na.

Dito ay game na sinagot ni Gerald ang ilang mga tanong sa kaniya, batay sa mga madalas na sine-search patungkol kay Gerald sa search-engine na Google.

Sa dulo, natanong si Gerald kung "married" na ba siya. Alam naman ng lahat na ang kasalukuyang girlfriend niya ay si Julia Barretto.

"Lagi akong natatanong nang ganyan," pahaging ni Gerald kay Isko.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Wala naman daw dahilan para itago ni Gerald kung talaga bang kasal na sila ni Julia. Hindi niya nakikitaan ng point kung bakit kailangang itago sa baul ang mga ganitong ganap sa buhay, dahil malalaman at malalaman din naman ito ng mga tao, lalo na sa panahon ngayong uso ang lapagan ng "resibo" sa social media.

"For now, for the record, you're not married?" untag ni Isko.

"No, no, no," mabilis namang sagot ni Gerald.

Sundot na tanong ni Isko ay kung may plano naman siyang magpakasal?

"Of course, of course," walang gatol na sagot ni Gerald. "In the coming years, pero medyo parang... sigurista ako eh, gusto ko parang nandoon na... gusto ko, relax... medyo relax tayo, hindi na kailangang laging nagpupuyat sa trabaho..." saad ni Gerald.

Gusto raw munang makasigurado ni Gerald na handang-handa na siya "economically" bago sumabak sa susunod na antas ng relasyon, gaya ng pag-aasawa.

Nabanggit ng aktor na hindi siya naniniwala sa kasabihang "Basta mahal ninyo ang isa't isa, puwede nang magpakasal."

Tila sang-ayon naman dito si Yorme, "Hindi 'yan nakakabayad ng kuryente ha!"

"Exactly," sambit ni Gerald. "Praktikal lang."

Pagkatapos ay napunta ang usapan ng dalawa sa buhay-pag-ibig nila ni Julia. Ani Gerald, tila magtatatlong taon na sila nito.

May sasabihin sana si Gerald subalit hindi na niya itinuloy dahil baka raw maging isyu na naman, bagay na ikinatawa nilang dalawa.

Ang nais daw sabihin ni Gerald sana, sa loob ng tatlong taon ay naging masaya at magaan naman daw ang kanilang pagsasama bilang magkasintahan.

"Iwan na natin do'n," sey ni Gerald.

"Doon mo talaga malalaman na masaya ka talaga, kasi hindi mo na binibilang eh," giit ni Gerald.

Pagdating naman sa qualities ni Julia na gustong-gusto ni Gerald, sinabi ng aktor na sobrang secure daw si Julia pagdating sa pagkatao niya.

"Maganda siya pero hindi mo maramdaman na... napakasimple! Napakasimple lang. Magaang kasama. Very supportive sa ibang kalokohan ko like, you know, magpapraktis ako ng basketball 4 hours a day... hindi nanunumbat... walang ganun eh," ani Gerald.

Sa huli, sinabi ni Gerald na hindi niya maipaliwanag subalit naniniwala siyang si Julia ang "The Right One" para sa kaniya.