Sinagot ni Kapuso star Barbie Forteza ang sinabi ni Unkabogable Star Vice Ganda na bagay siya sa “It’s Showtime.”

“Bagay si Barbie sa Showtime. I love her vibe!” saad ni Vice sa kaniyang Twitter post nitong Sabado, Hulyo 1.

MAKI-BALITA: Vice Ganda, sinabing bagay si Barbie Forteza sa ‘It’s Showtime’

“Omg! 🥹 Maraming salamat po!” sagot naman ni Barbie sa naturang tweet ng It’s Showtime host.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

“G na G po ako!” dagdag niya.

Nangyari ang naturang pagpuri ni Vice matapos mag-guest ni Barbie sa It’s Showtime kasama ang iba pang Kapuso stars nitong Sabado, kung kailan unang umere ang programa sa GTV.

Nagsayaw si Barbie sa opening production ng programa kasama ang host na si Kim Chiu at ang Kapamilya stars na sina Belle Mariano at Alexa Ilacad.

MAKI-BALITA: It’s Showtime, umere na sa GTV; Opening prod kasama Kapuso stars, pasabog!

Simula ngayong Sabado, mapapanood na umano ang “It’s Showtime” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at sa bago nitong tahanan na GTV.