Natuwa ang mga batang 90s nang ibahagi ni Optimum Star Claudine Barretto na nagkaroon sila ng mini reunion ng co-stars sa sitcom na "Home Along Da Riles" na pinagbidahan ng yumaong Comedy King na si Dolphy.

Makikita sa Instagram posts ni Claudine noong Hunyo 30, 2023 ang mga larawan nilang "magkakapatid" sa nabanggit na sitcom noong 90s.

"Biglaang reunion with my brothers & sister in home along the riles.Tatay Dolphy must be so happy seeing all of us together...," caption ni Claudine sa kaniyang IG post.

Present sa litrato sina Vandolph, Gio Alvarez, Boy 2 Quizon, Maybelyn dela Cruz, at Smokey Manaloto.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Nostalgic naman ang pakiramdam ng netizens na naabutan pa ang nabanggit na longest-running sitcom ng ABS-CBN simula 1992 hanggang 2003.

Ang kuwento ng Home Along Da Riles ay tungkol sa pamilya ni Kevin Cosme (Dolphy) na nakatira malapit sa riles ng tren.

Kapitbahay naman niya si Azon (Nova Villa) na may malaking kursunada sa kaniya.

Samantala, narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Nakakamiss ang Home Along The Riles. Madalas kong panoorin dati at sobrang nakakaaliw!"

"Amazing reunion!"

"Good to see you all together. You will forever have a space in our life and hearts home along da riles is a part of my childhood."

"Wow my favorite sitcom Home along da riles."

"Home Along Da Riles, Home Along Da Riles! Ito ang aming home sweet home!!!"

"Hala napaka-nostalgic naman!"

"Napanood ko rin 'yong movie nito!"

Samantala, ibinahagi naman ni Maybelyn ang TikTok video nila kung saan ginawa ulit nila ang moves ng ulo nila sa saliw ng theme song ng nabanggit na sitcom. Ang nabanggit na TikTok video ay naka-upload sa TikTok account ni Boy 2 Quizon.