Nawindang ang mga marites sa "latest update" tungkol sa isyung may naabutan daw na ibang bebot ang Kapamilya star na si Andrea Brillantes sa condo unit ng kaniyang ex-boyfriend na si Ricci Rivero, nang minsang sorpresahin niya ito dis-oras ng gabi.

Ang siste, na batay sa mga kumakalat na video sa social media, ang babaeng ito ay nakatapis pa raw ng tuwalya at katatapos lamang daw maligo. Talagang pinuwersa umano ni Andrea na buksan daw ang pinto ng palikuran at kuhanan ito ng video. Hindi naman nakita sa leaked video ang mukha ng nabanggit na babae.

Sa panayam kay Ricci sa "Fast Talk with Boy Abunda" kamakailan, ang nabanggit na babae raw ay "hindi girl" ng basketball star player, at sa kaibigan daw niyang dumating sa kaniyang condo unit.

Pero sa latest episode ng "Marites University" sa YouTube, inispluk ng host nito na si "DJ Jhaiho" ang umano'y rebelasyon daw sa kaniya ni Andrea tungkol naman sa sariling bersyon niya ng mga nangyari.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Nang mag-trend daw ang panayam kay Ricci ni Tito Boy, agad-agad na nagpadala ng mensahe si Jhaiho kay Blythe upang tanungin dito kung ano ang "totoo."

Tugon naman daw ni Andrea, "LOL. Nakalimutan niya yatang sabihin na hubad kong nadatnan yung girl... hubad sa kuwarto niya. Tulog siya (Ricci). Di raw nila alam ang nangyayari at lasing sila. Di niya minention. Hindi niya minemention. Marami pa siyang hindi minention."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Ricci tungkol dito.

MAKI-BALITA: Nag-leak na video, pinagpiyestahan; Babae naispatang nakatapis lang sa condo ni Ricci?