Diretsahan at wala nang pala-palabok pang sagot ang nakuha ng aktor na si Jake Ejercito matapos nitong tanungin ang anak na si Ellie Eigenmann kaugnay sa “Korean hairstyle” niya.

Sa screenshot ng pag-uusap ng mag-ama na ibinahagi niya sa Facebook post, nag-send si Jake ng larawan sa kaniyang anak kung saan makikita siya at apat pang kasamahan nito.

Sabay tanong sa anak na, “Do you like my Korean hairstyle?” aniya.

GIF o  “Graphics Interchange Format” kung saan makikita ang text na “NO” naman ang isinagot ni Ellie sa kaniyang ama.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Hindi naman na bago ang mga ganitong screenshot ni Jake nang pag-uusap nilang mag-ama dahil nakagawian na niya itong i-upload at ibahagi sa kaniyang followers.