Back-to-back “Player of the Game” na naman ang nakamit ng Choco Mucho Flying Titans player na si Sisi Rondina matapos ang naging laban kontra “Foton” ngayong araw ng Sabado, Hulyo 1, 2023.

Matatandaang sa Facebook post ng “Premier Volleyball League” noong Hunyo 29, 2023, na unang naging laban ng Choco Mucho kontra Farm Fresh Foxies, si Sisi rin ang itinanghal na player of the game na nakakuha ng kabuuang 14 points.

Makikita naman ngayon sa Facebook post ng parehong page, ang kabuuang 19 points naman na mula sa 15 attacks, 3 blocks at 1 ace ang puntos na nakuha ni Sisi para sa ngayong naging laban.

Sa 3 straight sets naman tinapos ng Choco Mucho ang laban nila kontra Foton na may score na, 19-25, 19-25 at 14-25.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Maraming Pinoy women’s volleyball fans naman ang nagbigay-komento sa naturang post ng nasabing page:

Flying Sisi Congrats CMFT.. Laban hanggang dulo.”

“grabeee, i love you sisi na! .”

“Grabi nasa kanyan na ataki ofense defence ..kaka proud ka sisi proud bisdak her alwys support cmft forever.”

“Partida kakapasok lang yan ulit ng indoor volleyball!”

“Consistent 2 consecutive pog. Sisi, the mvp form. She's a contender with tots.”

“2 consecutive POG ka na Sisi, if makapasok kayo sa Semi Finals, for sure kayo ni Tots maglalaban for MVP. Congrats Sisi galing.”

“Literal na bounceback after challenged denied shutahh hahhahahah Congrats

 CMFT .”

Matatandaang ito ang naging pagbabalik ni Sisi matapos niyang i-prioritize ang paglalaro sa “Women’s Beach Volleyball” bilang manlalaro ng bansa sa ginanap na SEA Games 2023 noong Mayo, 2023.