Special guest sa pagsisimula ng "E.A.T." ng TVJ sa TV5 Kapatid Network si Megastar Sharon Cuneta ngayong Sabado, Hulyo 1.

Matatandaang nauna nang sinabi ni Mega na bagama't solid Kapamilya siya, susuportahan na muna niya ang kaniyang "Eat Bulaga!" family.

MAKI-BALITA: Sharon Cuneta makakasama ng TVJ sa unang episode ng show nila sa TV5

Kasabay rin kasi ito ng bigating launching ng "It's Showtime" sa GTV channel ng GMA Network bilang bago at karagdagan nilang tahanan. Dinaluhan naman ito ng Kapamilya at Kapuso stars.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

Kalat na sa Twitter ang video clip ng "biro" ni Mega sa isa sa mga legit Dabarkads host na si Maine Mendoza.

Sey ni Shawie, nagsho-shooting siya ng bagong pelikula at kasama niya rito ang kaniyang bagong "son."

Ito ay walang iba kundi si Alden Richards na legit Dabarkads din, kung saan nabuo ang Phenomenal love team na "AlDub."

"Gusto ko lang sabihin kay Maine, Maine congrats ha, nagsho-shooting ako ngayon, may kasama ako, yung anak kong bago, yung bago kong son, pangalan niya Alden," hirit ni Shawie.

"Congrats po... congrats po sa movie ninyo," ngiting-ngiting sabi ni Maine kay Mega.

"Hi Alden! Nandito si Maine," sey naman ni Mega.

https://twitter.com/mchrdaiah/status/1675036772542316545

Matatandaang sinabi ni Alden na kahit wala na ang mga kasama sa GMA Network ay mananatili siyang legit Dabarkads. Hindi siya nakasama sa paglipat-bahay ng TVJ dahil may network contract siya.

Sinabi naman ni Maine na sana raw ay makasama pa nila si Alden kung mabibigyan ng pagkakataon.

MAKI-BALITA: Maine bet pa ring makasama si Alden sa noontime show ng TVJ