Ibinida ng actress-beauty queen na si Megan Young ang umano’y bagong ikakarerang career bilang isang racer.

Makikita sa Instagram post ni Megan, ngayong Sabado, Hulyo 1 ang suot-suot nitong full gear bilang isang racer para sa Vios Cup Leg 1 na ginanap sa Clark International Speedway.

Makikita rin sa mga larawang ibinahagi ni Megan ang iba pang social media personality na kasama niya sa nasabing event.

Para pa kay Megan, ito na ang panahon para ipakita ang pagiging “Certified Arcade Queen” noong kabataan pa niya.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

“It’s time to showcase my inner speed as the certified arcade queen of my childhood! 👸🏻🏁” aniya.

Mapanonood naman sa live stream sa opisyal na Facebook page ng Toyota Gazo Racing Philippines ang mga bawat pag-karera ng racers.