Itinanghal bilang kampeon ng “Tawag ng Tanghalan: Duets” ang Sidlak Bisdak duo na sina Marielle Montellano at JM dela Cerna matapos ang mainit na grand finals sa “It’s Showtime” nitong Sabado, Hulyo 1.

Matapos kantahin nina Montellano at dela Cerna ang rendition ng “Now and Forever” ng Air Supply sa Final 3 round, nakatanggap sila ng standing ovation mula sa mga hurado, kasama na ang special judges na sina Kapuso singers Christian Bautista at Mark Bautista.

MAKI-BALITA: It’s Showtime, umere na sa GTV; Opening prod kasama Kapuso stars, pasabog!

Nakakuha ang Sidlak Bisdak duo ng 98.3%, at nanalo ng tropeo at ₱500,000.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Samantala, nakuha nina John Mark Saga at Kim Nemenzo ang first runner up matapos nilang kantahin ang “All Out of Love” ng Air Supply. Nakatanggap sila ng 95.3% score mula sa mga hurado at nanalo ng ₱150,000. 

Hinirang naman bilang Top 3 sina Anton Antenocruz at Eumee Capile, na umawit ng “Two Less Lonely People in the World” ng Air Supply. Nakatanggap naman sila ng 91.6% mula sa mga hurado at nanalo ng ₱100,000. 

Bago ang final round, nagpasiklaban muna ang siyam na duo kung saan kapwa nagpamalas sila ng husay sa tanghalan.

Inawit nina Montellano at Dela Cerna sa first round ang “My Heart Will Go On” ni Celine Dion.

Matatandaang naging third place si Dela Cerna noong ikatlong season ng “Tawag ng Tanghalan” habang 6th place naman si Montellano sa inaugural season ng kompetisyon.