Kinagiliwan ng netizens ang ibinahaging larawan ng actress-TV host na si Jolina Magdangal ngayong araw ng Sabado, Hulyo 1, 2023.

Sa Instagram post ni Jolina, makikita ang tila ginawang kalendaryo para sa buwan ng Hulyo kung saan tampok mismo ang larawan niya.

Rise and shine!!!!!! Alam nyo na po.. dadaan na po ako. Lagpas na ng kalahati ng taon, kamusta ang mga plans and goals natin? May mga natupad na ba? Ano pa kaya pwede magawa? Feel free to share!😊😊😊.” mababasang caption sa Instagram post.

Aliw na aliw naman ang netizens na nagbigay-komento:

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“YAN ANG POP ICON!!! Hahaha! Eto na ulit ang JulyNa memes! Haha.”

“iba ka talaga Jolina. 90s icon never gets old.”

“Happy Jolina Day.”

“Hahahaha! Na unahan na tayo ni Julyna. 🤣.”

“You’ve passed the vibe check, Jolens!😂😂😂.”

“Hahaha!!! 🙌🙌🙌 winner ito Jols😂😂😂.”

Kamakailan lang ay ipinasilip naman ni Jolina ang recording ng bago niyang kanta.