Binuksan na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa publiko ang Davao City Coastal Bypass Road (DCCBR) Segment A nitong Sabado ng umaga.

Kasama rin ng Pangulo sa inagurasyon si Vice President, Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte at iba pang opisyal ng pamahalaan.

Tiniyak ni Marcos na tuluy-tuloy ang gobyerno sa pagpapatayo ng mga imprastraktura, tulad ng nasabing coastal bypass road na tiyak na mapakikinabangan ng taumbayan.

Nagbigay din ng pagpupugay si Marcos kay dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa naturang proyekto sa ilalim ng Philippine High Standard Highway Network na may layuning pagdugtungin ang mga malalaking isla ng bansa.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'