Hindi pala naging biro ang pinagdaanan ng former beauty queen and actress na si Alma Concepcion nang minsang magbahagi tungkol sa ipinost niya sa kaniyang Facebook sa achievement ng kaniyang anak na si Cobie Puno sa pagiging Cum Laude sa katatapos lamang na graduation sa kursong Bachelor of Science in Business Administration – Primary Concentrations in Social Innovation and Marketing Minor in Economics sa Fordham University, New York USA.

Nagbalik sa alaala ni Alma ang lahat ng hindi magagandang nangyari noon sa kanilang mag-ina.

Sa kaniyang Facebook post kung saan inilakip niya ang screenshot ng ulat ng Balita hinggil sa pagiging Cum Laude ng kaniyang anak, “Ngayon naalala ko tuloy yung mga luha, hirap at pagod. Pati na din sa mga nang-api sa akin/aming mag-ina, mga umapak at nagmaliit sa akin/amin. Yung mga tao na di kami nabigyan ng value. Ganun pala pag may success, magfa-flashback lahat ng luha at sakit.”

Dahil dito, nakapanayam ng Balita si Alma tungkol sa kaniyang ibinahagi sa socmed. Aniya, nakaramdam daw siya noon ng panliliit ng mga tao noong panahong siya ay nagkaanak at minsang nagtinda sa isang bazaar. That time, nag-out of showbiz si Alma for a while.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“Alam mo sa tunay na buhay naman talaga outside showbiz mararamdaman mo naman talaga na judgmental yung mga tao. Lalo noong pinanganak ko si Cobie at age 23 wala ako sa showbiz no'n. Ang dami naming dinaanan ni Cobie as a single mom. Nag-weekend bazaar ako kasi while waiting for project," aniya. Na-train daw talaga si Alma noon sa pagtitinda na kaniyang magandang natutunan hanggang ngayon.

Naranasan daw noon ni Alma na questionin ng mga tao ang kaniyang pagtitinda na dati nga raw siyang artista tapos heto’t nagtitinda na lang daw. Maging ang kaniyang hitsura noon na tumaba ay hindi rin pinalagpas na mapansin. Ayon kay Alma, normal lang daw ang mga naranasan niya na karaniwang nangyayari sa ibang mga tao.

Marami raw natutunan si Alma out of showbiz dahil malaki raw ang naging parte nito sa kaniyang buhay.

“Eh ano naman ako, in and out ako sa showbiz noon 'di ba. Kaya ang laki ng parte ng buhay ko outside showbiz. Yung bazaar ko, interior designing ko. Nag-aral ako sa UP for 5 years, nag-practice ako, nag-construction girl ako. Lahat yun wala sa showbiz. Normal ordinary person ako which I love parang doon ko na-feel siyempre ang hardwork, lalaban ka ng patas, lalaban ka ng pagalingan, galingan mo na lang. Alam mo yun?”

Samantala, nagbigay naman ang pahayag ang unico hijo ni Alma na si Cobie Puno sa ipinost na hinaing ng kaniyang ina sa pinagdaanan nito noon sa mga tao.

“Nabasa ko po pero honestly hindi naman sinasabi sa akin ni Mommy yung tungkol sa ganoon. Honestly parang no'ng nakita ko parang nagulat po ako kasi hindi ko alam na ganoon po ang nararamdaman ng Nanay ko. And all this time akala ko na yung ok naman kami, mabuti naman kami."

"Nirerespeto namin ang mga tao sa paligid namin. Hindi ko alam na may mga tao sa mundo niya na parang hindi na maibabalik yung respeto namin."

"So nagulat ako honestly, siyempre Nanay ko 'yan 'di ba. Idol ko yun expect ko ina-idol din siya ng mga tao sa paligid niya. Nakita ko na hindi ganoon, siyempre nalungkot pero sa ngayon dapat sa nakamit ko, award din niya yun. Sa biyaya ng Diyos atleast umokey naman.”

Nagpasalamat si Cobie sa Mommy niya dahil hindi raw biro ang nakamit niyang parangal na Cum Laude. Marami raw tao na gusto niyang maging masaya pero pinakahigit na gusto niyang mapasaya ang kaniyang loving mom na si Alma Concepcion.

Sa pag-uwi raw ni Cobie sa August, gift daw ni Alma ang pagpapagawa ng sariling kuwarto ng binata niya at surprise na lang daw kung ano ang magiging hitsura dahil siya mismo ang nag-design nito.