Hindi napanalunan ang halos ₱54 milyong jackpot sa Lotto 6/42 draw nitong Huwebes ng gabi.

Walang nakahula sa winning combination na 06-38-09-18-04-37 kung saan nakalaan ang premyong ₱53,962,120.200.

Bukod dito, wala ring nanalo sa mahigit ₱23.4 milyong jackpot sa 6/49 Super Lotto draw.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Paliwanag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang nakahula sa winning combination na 33-44-45-12-17-41 na may nakalaang premyong aabot sa ₱23,465,310.60.

Inaasahang lolobo pa ang nasabing premyo sa susunod na bola nito.

Binobola ang 6/49 Super Lotto tuwing Martes, Huwebes at Linggo.