Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Biyernes, Hunyo 30, ang venue at petsa para sa isasagawang face-to-face mass oathtaking ng mga bagong chemical engineer ng bansa.

Sa Facebook post ng PRC, ibinahagi nitong nakatakdang maganap ang in-person oathtaking sa Hulyo 7 sa University of the Philippines (UP) Diliman sa Quezon City sa Hulyo 7, 2023 dakong 1:00 hanggang 5:00 ng hapon.

Magaganap naman umano ang in-person oathtaking sa Cebu City sa Hulyo 8, 2023 dakong 5:00 ng hapon hanggang 9:00 ng gabi, habang sa Hulyo 10, 2023, dakong 1:00 hanggang 5:00 ng hapon naman magaganap ang in-person oathtaking sa Iloilo City.

“All successful examinees interested in attending the face-to-face mass oathtaking shall register no later than 12:00 NN of the day prior to the date of the oathtaking at http://online.prc.gov.ph to confirm their attendance,” anang PRC.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kinakailangan umanong i-print ng mga inductees ang Oath Form gamit ang kanilang sariling nabuong QR. Isusumite ito sa panahon ng oathtaking upang ma-tag bila sila bilang "attended".

Inabisuhin din ng PRC ang mga lalahok sa in-person oathtaking na dalhin ang kanilang Vaccination Card o ang kanilang Negative RT-PCR/COVID-19 anti-gen swab results na kinuha sa loob ng 48 oras bago ang oathtaking.

Para naman sa mga hindi makakadalo sa face-to-face mass oathtaking, maaari pa rin silang dumalo sa online oathtaking o humiling ng isang espesyal na panunumpa. 

Ipo-post naman daw ng PRC ang Online Oathtaking announcements kapag nakumpirma na ang iskedyul.

“After the oathtaking, inductees shall proceed with their Initial Registration by securing an online appointment at http://online.prc.gov.ph,” saad ng PRC.

“For more information on the oathtaking proper, please contact 09604269003 and [email protected] for Quezon City, 09760798331 and [email protected] for Cebu City, and 09988550325 and [email protected] for Iloilo City,” dagdag nito.