Tinupad ng actress-TV host na si Melai Cantiveros ang pangako niya kay Queen of All Media Kris Aquino.

Sa Instagram post ni Melai noong Huwebes, makikitang all smiles ito kasama ang dalawang anak ni Kris na sina Josh at Bimby.

Sey ni Melai, ibang version na raw ang Bimby na kausap niya dahil very mature na raw ito. Bukod dito, inilarawan ng “Magandang Buhay” host si Josh na very sweet and very loving.

A very gwapo, sweet, responsible and mature Bimb version na kausap ko kanina at very sweet lagi na very loving kuya Josh. Grabe na amaze ako kuya Bimb sa mga sagot nya habang kausap ko cya, nakakaamaze sila dati kami pa ni Jason matangkad kay Bimb ngayun si Bimb na apakatangkad ❤️❤️🥰👏🏻,” aniya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Binanggit din ni Melai sa kaniyang post na tinupad niya ang pangakong bibisitahin niya ang dalawa. Na-proud din daw siya kay Kris dahil lumaking mabuti at may respeto ang mga anak nito.

“Ms Kris we miss you @krisaquino, pagaling ka jan Ms Kris😘❤️ tinupad ko pramis ko ms Kris na i visit si Bimb at Kuya Josh, sana nextime makasama kana nmin dtu sa pinas. Na Amaze and naproud ako Ms Kris sayu bilang momshie kasi ambabait, marespeto and mabuti silang anak sila Bimb and kuya Josh❤️ goodnight n pala everyone ❤️❤️🥰🥰,” dagdag pa niya.

Samantala, tila papasok na rin sa mundo ng showbiz si Bimby matapos itong pumirma sa talent management firm na Cornerstone Entertainment kamakailan.

Maki-Balita: https://balita.net.ph/2023/06/30/bimby-papasok-na-rin-sa-showbiz/