Proud na ibinida ng dating child star at Kapamilya actress na si Xyriel Manabat na nagpaayos siya ng ilong sa isang klinika, ayon sa kaniyang Instagram post nitong Miyerkules, Hunyo 28, 2023.

Kitang-kitang ibang-iba na nga ang fez ni Xyriel, at ayon sa mga netizen, lalong lumutang ang taglay na ganda ni "Madam Ana Manalastas."

Flinex ni Xyriel ang ilan sa mga kuhang litrato kung saan kapansin-pansin ang tila pagbabago sa kaniyang ilong. Sa caption, nagpasalamat siya sa klinikang nagsagawa sa kaniyang nose job.

Nagpaabot naman ng pagbati sa kaniya ang ilang celebrities gaya nina "Magandang Buhay" momshie host Melai Cantiveros, TV5 news journalist Christine Bersola-Babao, at ABS-CBN writer/segment producer na si Darla Sauler.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Marami sa mga netizen ang pumuri sa katapangan ni Xyriel na maging honest at sabihin ang totoong nagpa-nose job siya.

Isang netizen ang nangahas na nagtanong kung alin-alin sa bahagi ng mukha ang ipinaayos niya.

"Eyelids, rhino?, lip fillers. Jaw reduction? Ang ganda ng gawa," saad ng netizen.

Ngunit tila walang tumama sa mga nabanggit ng netizen batay sa sagot ni Xyriel.

"Nose lang po," aniya.

Screenshot mula sa IG ni Xyriel Manabat

Isang basher naman ang tila hindi kumbinsidong ilong lang ang pinaayos ni Xyriel.

"HAHA anong nose lang eh buong face mo nag-iba. Wala naman masamang umamin, cyst. Lol," anang basher.

Hindi naman ito pinalagpas ni Xyriel.

"Hi, what's the point of denying po? It's something to be proud of... I'm being honest and transparent. Of course whole po magbabago kasi nasa center po ng face ang nose and may madadamay at maapektuhan po talaga na part ng face kaya magbabago po talaga whole face... common sense come on," pambabarag ni Xyriel.

Ibinahagi pa ng aktres ang screenshot ng naturang conversation thread at kinomentuhan.

"Bakit ko idedeny eh ang galing-galing ng doctor ko," aniya.

Screenshot mula sa IG story ni Xyriel Manabat

Napapanood si Xyriel bilang "Tonet" sa patok na seryeng "Dirty Linen" ng ABS-CBN.

MAKI-BALITA: Xyriel Manabat, hinangaan sa bagong looks; nagpaayos ng ilong