Tila mas lalo raw lumutang ang ganda ng Kapamilya actress na si Xyriel Manabat matapos mapansin ng netizens ang bago niyang looks, na ibinahagi niya sa kaniyang Instagram post nitong Miyerkules, Hunyo 28, 2023.

Flinex ni Xyriel ang ilan sa mga kuhang litrato kung saan kapansin-pansin ang tila pagbabago sa kaniyang ilong. Sa caption, nagpasalamat siya sa klinikang nagsagawa sa kaniyang nose job.

Isang netizen ang nangahas na nagtanong kung alin-alin sa bahagi ng mukha ang ipinaayos niya.

"Eyelids, rhino?, lip fillers. Jaw reduction? Ang ganda ng gawa," saad ng netizen.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ngunit tila walang tumama sa mga nabanggit ng netizen batay sa sagot ni Xyriel.

"Nose lang po," aniya.

Screenshot mula sa IG ni Xyriel Manabat

Nagpaabot naman ng pagbati sa kaniya ang ilang celebrities gaya nina "Magandang Buhay" momshie host Melai Cantiveros, TV5 news journalist Christine Bersola-Babao, at ABS-CBN writer/segment producer na si Darla Sauler.

Batay naman sa komento ng mga netizen ay mukhang aprub sa kanila ang desisyong magpailong ni "Tonet" ng seryeng "Dirty Linen."