Kung may pagkakamali man daw ang co-host na si Buboy Villar tungkol sa isyung kakilala nito ang isang studio contestant na nakuha ni Mavy Legaspi para sa "Ikaw ang Pinaka" segment ng bagong "Eat Bulaga," ito ay ang hindi pagsabi na kilala niya ito at matagal na niyang tagahanga.

Sa panayam ng GMA News, inamin ni Buboy na tama ang "bintang" sa kaniya ng isang netizen sa isang viral Facebook post na kakilala niya si "Lelet" na naging studio contestant sa nabanggit na segment.

Subalit paglilinaw ni Buboy, hindi niya alam na magpupunta sa studio ang nabanggit na kakilala, na ayon sa Facebook post ng netizen, ay nagtatrabaho sa kaniya.

Namukhaan ng isang televiewer-netizen ang nabanggit na studio contestant ng "Ikaw ang Pinaka" noong June 7 episode kung saan nagsisimula pa lamang umarangkada ang bagong Eat Bulaga hosts.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Anang netizen, nakita na niya ang lalaking ito sa isa sa vlogs ni Buboy. Nagtatrabaho umano ito bilang "boy" sa paresan ni Buboy.

Paglilinaw pa ni Buboy, bagama't kakilala niya nga ang studio contestant, wala naman sa "script" nila na ito ang tatawagin sa harapan.

“Naawa rin po ako sa part ng contestant kasi fan ko po 'yon, fan ko po 'yon na sobrang sumuporta sa akin dahil sa kabila ng mga taong nagsasabi ng masasakit na salita sa akin although okay lang naman po sa akin 'yon, tumatanggap naman po ako kasi opinyon 'yon, eh sumuporta itong kaibigan ko na 'yon at sobrang saya ko dahil nandoon siya, nakita ko siya, at napili siya ng mga co-hosts ko rin so the show must go on, pinaglaro siya."

"Lahat naman po puwedeng manalo eh, sabi nga po namin sharing is caring and caring is winning," sey ni Buboy.

“Hindi ko alam na manonood siya ng Eat Bulaga. Hindi ko talaga expected kasi ang una kong gustong nandoon sa stage ay 'yong nanay ko, siya 'yong ininvite ko, gusto ko saksi 'yong nanay ko doon kasi unang-una po sa lahat, Eat Bulaga po ito part po ito ng history, tapos tutuntong po kami sa stage ng Eat Bulaga,” aniya.

Pahayag naman ni Paolo, hindi lang daw nabanggit ni Buboy na magkakilala pala sila, sa panayam pa rin ng GMA News.

“It was a very honest mistake, una sa lahat, the only mistake I guess was that Buboy did not mention it on-air na kilala niya 'yong tao. Pero 'yung taong 'yon hindi niya kasama sa likod, pumila 'yon ng 6:00 ng umaga tapos pinili siya ni Mavy (Legaspi) 'di ba?," ani Paolo.

"Pero ang tao naman kasi hahanap at hahanap ng paraan para sabihing… lalo ngayon na para kang nasa microscope 'di ba lahat ng kaunting mali mo eh, pupunahin,” dagdag pa niya.

MAKI-BALITA: Buboy Villar inaming kakilala naging studio contestant sa segment ng Eat Bulaga!