Na-shookt ang kapwa momshie hosts ni Melai Cantiveros na sina Jolina Magdangal at Regine Velasquez-Alcasid nang i-reveal ng una ang tungkol sa milagrong naranasan niya kamakailan lamang.

Noong June 27 episode ng morning talk show, nagbahaginan ang momshies kung ano-anong negative thoughts ang masasabi na nilang "graduate" na sila, na iniugnay nila sa mga nagaganap na graduation ceremonies sa iba't ibang paaralan.

Pabiro pang nagtanong si Ate Reg ng "Buntis ka?"

"Uy, buang..." nasambit naman ni Melai na ikinatawa ni Jolens.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pero maya-maya ay sinabi na ni Melai na may sasabihin siya sa lahat at first time niyang sasabihin, dahil kahit ang pamilya niya, itinago niya rito ang natuklasan.

"Parang nagkaroon ako ng bukol dito sa may boobs kasi, so hindi talaga to alam, ngayon ko lang sasabihin. Di rin alam ng family ko..." ani Melai.

Kaya nang magbakasyon daw siya sa Cebu, talagang pinuntahan daw niya lahat ng milagrosong simbahan doon upang ipanalangin ang kaniyang kalagayan, bago siya magpa-check up.

Ilang araw lamang daw, nawala na raw ang nakapa niyang bukol sa kaniyang dibdib.

"Yes, grabe. Alam mo momsh Reg, nawala talaga momsh Reg, na hindi pa ako nakapag-checkup. Iba yung bukol kasi matigas eh, kaysa do'n yung parang may laman."

Kaya sabi ni Melai, hindi na siya mag-iisip ng mga negatibong isipin.

Niyakap naman siya nina Jolens at Ate Reg.

"Hindi ka naman nagkukuwento..." sey ni Jolina.

"Ngayon ko lang nakuwento, dito pa sa TV... para isang kuwentuhan lang," hirit pa ni Melai.

Payo naman ni Ate Reg, kapag may nararamdaman nang ganoon, dapat daw ay magpatingin na kaagad sa doktor.