
(Manila Bulletin File Photo)
7,480 tonelada ng sulfur dioxide, ibinuga ng Taal Volcano
Nagbuga ng halos 7,500 tonelada ng sulfur dioxide ang Mayon Volcano sa nakaraang 24 oras.
Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala rin ang 2,400 metrong taas ng usok na pinakawalan ng bulkan at tinangay ng hangin pa-hilagang-silangan.
Sa kabila nito, isang pagyanig lamang ang naitala ng Phivolcs nitong madaling araw ng Miyerkules hanggang nitong Hunyo 29 ng madaling araw.
Naobserbahan din ang upwelling ng mainit na volcanic fluids Main Crater lake.
Nagkaroon din ng panandaliang pamamaga ng kanlurang bahagi ng Taal Volcano Island (TVI).
Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa TVI, lalo na sa Main Crater at Daang Kastila fissures at pamamalagi sa lawa ng bulkan.
Babala pa ng Phivolcs, posible pa ring magkaroon ng phreatic explosions, pagyanig at pagbuga ng abo anumang oras.
Idinagdag pa ng ahensya, ipinaiiral pa rin ang level 1 sa alert status ng bulkan.