Isa sa mga naging usap-usapan ng netizens sa naging panayam ni Boy Abunda kay basketball star player Ricci Rivero ay ang isyung nag-live in na raw sila ng ex-girlfriend na si Kapamilya star Andrea Brillantes.

Nauntag ni Boy kung totoo ba ang tsikang nagsama raw sila sa iisang bubong noong sila pa.

"Ricci, did you live together?" diretsahang untag ng King of Talk.

"Ahmmm," tila nag-iisip na sambit ni Ricci.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Muli itong inulit ni Boy, this time ay tahasan na niyang sinabi ang salitang "live in."

"Nag-live in ba kayo ni Andrea Brillantes?"

"Siguro Tito Boy, from time to time we do pero ang gusto kasi ni Tita (nanay ni Andrea) is for her to go home din, and 'yon din naman 'yong sinasabi ko, na ayoko rin na at this early age 'di ba, gusto ko magpokus ka rin do'n industry mo, sa work mo, sa goals mo... ako kailangan ko ring magpokus sa akin. Pero there are times that we do sleep together," anang Ricci.

Mukhang nilinaw naman ni Boy ang nais sabihin ni Ricci, lalo na sa terminong "we sleep together."

"Okay may mga panahon na sa bahay n'yo siya umuuwi at ikaw sa bahay nila?"

"Opo," mabilis na sagot ni Ricci.

"Is that a correct understanding of what you're saying?" sundot pa ni Boy.

Tumang-tango naman si Ricci.

Batay sa reaksiyon at komento ng netizens, iba ang pakahulugan nila sa "we sleep together" na sinabi ni Ricci.

"Kiss and tell."

"I thought he was honest. Nakalimutan lang pumreno."

"What a very ungentleman thing to say that 'we sleep together.' Puwede kasi mamisinterpret 'yan especially knowing the public and what’s worse is it will take a toll sa part ni Andrea. Its not necessary to disclose such thing especially that Andrea is a big figure in showbiz and basically he’s using her name na naman eh."

"Puwede mo naman hindi sagutin 'yang tanong, respeto sa ex mo!"

"Alam ba niya ibig sabihin ng 'we sleep together?' Oh baka literal... pero kasi, kapag nag-sleep na together ang mag-jowa, imposibleng hindi mangyari 'yon 'di ba?"

"Ricci spoke up without asking permission on the person involved. Kung totoong nakakapag-usap sila, dapat nag-ask siya kay Andrea ng statement to leave his love ones out of this. It would be a big impact kasi it means they ended it really well."

"I’m sorry but this interview is super cringe. You can feel the guy’s insincerity in his answers."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Andrea tungkol dito.