Sa dulo ng kaniyang interview vlog, malaki ang pasasalamat ni Unkabogable Star Vice Ganda sa GMA Network at GTV channel dahil sa pagpapaunlak na maipalabas doon ang longest-running noontime show ng ABS-CBN, ang "It's Showtime."

Naniniwala raw si Vice na ang kanilang show ay isang "gem," na kahit saan ito mailagay ay may dadampot at dadampot.

Sa bandang dulo, nireveal ng komedyante-TV host na bet niyang makapag-guest sa isang GMA show kung papayagan siya ng management, lalo na't nag-renew siya ng kontrata sa ABS-CBN bilang exclusive artist.

Ipinagpaalam na raw niya kay ABS-CBN head Cory Vidanes ang tungkol sa bagay na ito. Sasabihin daw ito sa big bosses at baka magawan ng paraan.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

"Gusto ko lang lumabas sa programang ito. Kung uubra lang. Sana mag-guest ako sa show na ito," ani Vice.

"Feeling ko ang daming nag-aabang no'n. Feeling ko ang daming excited. Ang dami ring mga umiikot ang pwet at curious kung puwede kaya s'yang mag-guest dun. Makakapag-guest kaya siya do'n? I-invite kaya siya doon? What if mag-meet sila?" ani Vice.

Hindi naman tinukoy ni Vice kung anong show ito, pero kung sakali, posibleng sa "Fast Talk with Boy Abunda" ng dating Kapamilya na si Tito Boy Abunda.