Tipid at bagong life hacks ang nadiskubre ng aktres na si Arci Muñoz matapos nitong i-upload sa kaniyang Instagram account ang video clip kung saan makikita ang makabagong pag-wish nito sa isang “Wishing Well” ngayong araw ng Miyerkules, Hunyo 28, 2023 na nangyari sa Alex Khaskin, Little Italy.

Mapanonood sa nasabing video clip kung paano ipinakita ni Arci ang “Noon at Ngayon” na pamamaraan para makapag-wish sa wishing well.

Kung noon, barya-barya ang inihagis sa wishing well kapalit ng isang wish, “swipe-swipe” na lang umano ngayon ng card ang bagong pamamaraang ginawa ni Arci.

“Old vs new way to make a wish! ⛲️” mababasang caption sa Instagram post.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kinagiliwan naman ito ng netizens na nagbigay-komento sa comment section.

Ah pwede pala yun? 😂😂😂”

“Next video you’ll be holding your phone near the water to pay with your e-card. 😂”

“Tapon daw ung card para wish granted.😂”

“Swipe is life!!!!”

“Charged 😂😂😂”

“Yong wala kang coins pero gusto mo magwish…ma’am cash or card? 😆😁😄🤣😂”

Halos umabot naman na sa 340K views  ang nakuha ng nasabing video clip na iyon ni Arci. Hindi naman tinukoy ni Arci kung anong klaseng card ang ginamit niya: kung debit o credit card ba.