Kinagiliwang muli ng netizens ang “Kramer Family” sa latest Instagram post ni Doug Kramer matapos nitong ibahagi ang larawan ng kanyang pamilya kung saan makikitang nakapila sila ayon sa kanilang height ngayong araw ng Miyerkules, Hunyo 28, 2023 na nangyari sa Florence, Tuscany, Italy.

Bukod sa cute at nakatutuwang pagmasdan ang kanilang larawan, kapansin-pansin din na halos mataasan na ng panganay nilang si Kendra Kramer ang mommy nitong si Chesca Kramer.

“mommy, you should be in the middle now,” ang nabanggit pa ni Kendra sa kanyang mommy  na mababasa sa caption ng Instagram post ni Doug.

Tila napagkamalan din ng isang netizen si Chesca bilang anak dahil na rin sa height nito kung saan nga ay halos magkasintaas na sila ni Kendra.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

“looks like, @dougkramer has 4 children😂” komento ng isang netizen.

“my gosh yes. One immigration officer asked me if they were all my children. 😂 True story!” sagot naman ni Doug na pinatotohanang hindi lang iyon ang unang pagkakataong napagkamalang anak din nito ang asawang si Chesca.

Kamakailan ay kinagiliwan din ng netizens ang ginawang “Tower of Pisa challenge” ng Kramer family sa parehong bansa. 

MAKI-BALITA: Kramer family nag-‘Tower of Pisa challenge’ sa Italy, sino pinaka-havey?