Binalikan ng social media personality na si Toni Fowler o mas kilala sa “Mommy Oni” ang dating estado ng buhay niya kung saan back-up dancer pa lang siya noon sa programang “It’s Showtime” na ngayo’y nagbabalik bilang pang-opening prod guest dancer na kahapon ng Martes, Hunyo 27, 2023.

Mapanonood sa opening number ng nasabing show ang pagsalang ni Toni sa “It’s Showtime” stage kasama sina Jackie at Baby Dolls na humataw sa mga hits songs ni Nicki Minaj.

Lubos-lubos naman ang pagpapasalamat ni Toni at muli siyang nabigyan ng pagkakataon upang makapag-perform at maipamalas muli ang kanyang angking galing sa pagsasayaw.

2009 SHOWTIME BACK UP DANCER. 2023 SHOWTIME OPENING PROD GUEST DANCER. Walang paglagyan yung saya ng puso ko na makapag sayaw ulit ako sa Showtime 🥹 Naalala ko noon 300 pesos lang per day ang sahod ko Nagtyaga ako ng tatlong taon dahil mahal ko ang trabaho ko at masaya akong magpasikat noon pa man 🥹❤️ SALAMAT MADLANG PIPOL SA SUPORTA KUNDI DAHIL SAINYO HINDI AKO MAKAKAPAG TWERK SA SHOWTIME KANINANG UMAGA 🙏🏽❤️” mababasang caption sa Instagram post ni Toni kahapon ng Martes, Hunyo 27.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bumuhos naman ang suportang natanggap ni Toni sa comment section mula sa kanyang followers.

“Deserve mo yan momii oni ganyan talaga tahimik kalang sa umpisa pero meron kabang lemon?”

“Respect the hustle, yung tyaga habang masaya. Mas masarap sa feeling kung ano meron ka ngayon kasi pinaghirapan ito... Motivational talaga mami oni 💜”

“wow 🤸 dancerist 🤸 ang 🤸 beshy🤸 ko 🤸”

“We love you mommy oni!!! 😍”

“I love u mami onii you deserve all the success to achieve now and i always here to support you in every single stone ❤️❤️ i hope to see u soon again we very proud of you mami ❤️❤️❤️❤️”

“Congrats isang patunay na basta may pangarap at gustong makamit....”

Malaking bagay naman kay Toni ang mga ganong ganap niya sa buhay bilang isang social media personality.

Labkokayo iphone14 naba ulet? 💋,” dagdag pa nito.