Hinikayat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang publiko na magtungo na sa pinakamalapit na PCSO outlets sa kanilang lugar at tumaya na sa kanilang paboritong lotto games.

Batay kasi sa jackpot estimates ng PCSO, aabot na sa ₱338 milyon ang jackpot prize ng UltraLotto 6/58 na bobolahin dakong alas-9:00 ng gabi ngayong Martes, Hunyo 27.

Larawan mula sa PCSO

Matatandaang walang nakapag-uwi ng jackpot prize na ₱325.8 milyon ng UltraLotto 6/58 sa huling bola nito noong Linggo, Hunyo 25, na may winning combination na 21-40-54-29-06-32, kaya’t tumaas pa ang papremyo nito.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Samantala, nakatakda ring bolahin mamayang gabi ang SuperLotto 6/49 na may papremyong aabot sa ₱15.8 milyon gayundin ang Lotto 6/42 na may papremyo naman na aabot sa P48 milyon.

Ang UltraLotto 6/58 ay binubola tuwing Martes, Biyernes at Linggo habang ang SuperLotto 6/49 naman ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo. Tuwing Martes, Huwebes at Linggo naman ang bola ng Lotto 6/42.