Pinasinungalingan ng basketball player na si Ricci Rivero ang kumakalat na tsikang mayroon siyang gay boyfriend.

Sinagot ang isyung ito ni Ricci sa panayam ni Boy Abunda sa programang Fast Talk With Boy Abunda ng GMA-7 nitong Lunes, Hunyo 26.

“Sobrang laki po kasi ng respeto ko sa LGBTQ+ community, sobrang napapaligiran po ako ng part ng community na ‘yan,” aniya.

“Simula po noon no’ng napasok din po ako sa showbiz industry dito, even sa basketball naman, marami po talaga akong nilu-look up in a way na ‘yung personality nila, the way they carry themselves, na alam ko po mataas ‘yung respeto namin sa isa’t isa, sa kanilang lahat, na hindi naman po aabot sa romantic relationship,” dagdag niya.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

“And you’re straight?” diretsahang tanong ni Tito Boy kay Ricci.

 “Opo,” ang agarang sagot naman ng basketball player.

Sa naturang programa, sinagot na rin ni Ricci ang dahilan umano ng hiwalayan nila ng aktres na si Andrea Brillantes at kung may kinalaman ba rito si Beauty Queen at Los Banos, Laguna Councilor Leren Mae Bautista.

MAKI-BALITA: Ricci Rivero, nagsalita na sa hiwalayan nila ni Andrea Brillantes