Simula na ang malalakas na paulan at inaabangang bakbakan ng mga koponang bahagi sa “PVL 2023 Invitational Conference” ngayong araw ng Martes, Hunyo 27, 2023.

Inilabas na sa opisyal na Facebook account ng “Premier Volleyball League” ang mga koponang naka-iskedyul na maghaharap ngayong araw.

Unang magbabakbakan sa net ang koponang Farm Fresh “Foxies in the hunt” kontra sa  F2 Logistics “Cargo Movers” ngayong hapon ng 1:30 na gaganapin sa Fil Ecooil Centre.

Susundan ito ng koponang Petro Gazz “Angels” kontra sa Cignal “HD Spikers” sa oras namang 4:00 ng hapon sa parehas na venue.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Huling magtatapat sa net ang koponang Chery Tiggo “Crossovers” laban sa Creamline “Cool Smashers” sa ika-6:30 ng gabi sa parehas pa ring venue na siyang matagal nang inaabangan na magharap muli.

Kaniya-kaniya namang bias sa kanilang komento ang Pinoy women’s volleyball fans sa kanilang sinusuportahang koponan.

“Let's go F2 let's go

“Let'sgoooo Farm Fresh

“Angels in 3”

“Heart this if you are one of the fans of PetroGazz Angels

“Can't wait to hear RAD saying"Happiness cignal" good luck team awesome

“Go go go CCS 💪🏽💪🏽💪🏽”

“CHERY!!!!

Mapanonood naman nang live ang mga laban na i-eere sa One Sports at Cignal.