Doble-doble ang sayang nararamdaman ng TV host at LGBT rights advocate na si Jervi Li a.k.a. “KaladKaren Davila" matapos ang kaniyang naging opisyal na contract signing event sa ABS-CBN Kapamilya channel bilang pinakabagong “Star Magic” artist kahapon ng Lunes, Hunyo 26, 2023 na ginanap sa ABS-CBN Broadcasting Center.

Makikita sa mga larawang ibinahagi ni KaladKaren ang sayang nararamdaman nito na tila hindi maitago sa kanyang mga all smile na ngitian sa naganap niyang contract signing at mediacon kahapon, Lunes, Hunyo 26.

Hindi rin napigilan ng TV host ang mapaluha matapos mapanood ang inihandang video presentation ng Star Magic para sa kanya kung saan nakita niya raw kung paano siya nagsimula at hindi lubos maisip na mararating niya kung nasaan na siya ngayon.

Iniaalay niya rin umano ang achievement niyang iyon para sa LGBTQIA+ community upang maging isang inspirasyon at maging bahagi sa kanyang journey.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Blessed to have two families!🥹🥹🥹Kapamilya at Kapatid! ❤️💚💙5️⃣ It’s official- Star Magic contract signing.” mababasang caption sa Instagram post ni KaladKaren.

Nagpaabot naman ng kanilang pagbati ang ilan sa mga kilalang artista sa showbiz tulad na lang nila Kylie Verzosa, Angeline Quinto at Melai Cantiveros - Francisco.

“So happy for you mimaa ❤️❤️❤️”

“👏👏👏👏👏👏❤️❤️❤️🔥”

“Wohhooo congrats momsh”

Ibinalita rin ni KaladKaren sa kaniyang mediacon kahapon na bukod sa kaniyang pagiging segment host sa news program ng TV5 na “Frontline Pilipinas,” mayroon din siyang nakaabang na proyektong gagawin tulad ng reality show, teleserye at pelikula.