Itinanggi ng bagong Star Magic artist na si Jervi Li alyas "KaladKaren Davila" na hindi niya tatapatan at aagawan ng trono sa ABS-CBN si Unkabogable Star Vice Ganda, nang maurirat siya ng press tungkol dito, matapos ang contract signing event niya sa Kapamilya Network nitong Lunes, Hunyo 26.

Anang KaladKaren, "incomparable" daw si Vice at magkaibang-magkaiba naman daw ang kanilang branding. Kung baga, ibang level na raw si Meme na isa sa mga malalapit din naman sa kaniya.

“Parang pag sinabi mong Vice Ganda, Unkabogable Box Office, Phenomenal Superstar, parang incomparable si Vice Ganda, eh. Hindi mo siya pwedeng ikumpara kahit kanino,” aniya.

Magkaiba naman daw ang linya ng kanilang ginagawa.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

“Ako naman, transgender woman ako, iba ‘yung branding ko siyempre kay Meme. I also do the news na hindi naman niya ginagawa. Sa hosting, iba rin ‘yung style niya sa hosting kasi mas nakakapagpatawa siya, so mas iba ang atake niya kaysa sa akin."

Wala raw sa isip niya na "agawin" kung anuman ang posisyon ngayon ni Vice sa network o sa showbiz industry.

Anyway, walang patumanggang sinabi ni KaladKaren na lalaban siya kung sakaling mabigyan siya ng pagkakataong makasama sa proyekto si "Higop King" Joshua Garcia.

MAKI-BALITA: ‘Hindi lang dilig!’ KaladKaren palaban, bet ‘magpahigop’ kay Joshua