Ngayong pormal na Star Magic artist na si Jervi Li a.k.a. "KaladKaren Davila," natanong siya ng press people kung sino-sino ba sa Kapamilya actors ang gusto niyang maging leading man sa mga susunod niyang proyekto.

Naganap ang contract signing event ni KaladKaren na dinaluhan ng kaniyang manager at Star Magic head na si Direk Lauren Dyogi, sa isang area sa ABS-CBN building.

To the highest level agad ang mga binanggit ni KaladKaren gaya nina Gerald Anderson, Zanjoe Marudo, at Jake Cuenca. Nabanggit niya rin ang bagets na si Seth Fedelin pero siyempre, hindi na sila magka-age bracket.

At siyempre, parang bet din ni KaladKaren "magpahigop" sa tinaguriang "Higop King" ngayon na si Joshua Garcia!

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Napanood daw ni KaladKaren ang ginawa ni Joshua kay "Silent Superstar" Jodi Sta. Maria sa GMA-ABS-Viu-Dreamscape Entertainment collab series na "Unbreak My Heart" at parang gusto rin niyang i-try!

Huwag nang banggitin pa ang ginawa rin niyang "paghigop" at halos "pagmukbang" kay Kapuso actress Gabbi Garcia, na kabilang din sa serye.

“Siguro, Joshua (Garcia), puwede-pwede na. Saka nakita ko kung ano ‘yung ginawa niya kay Ate Jodi (Sta Maria) do’n sa ‘Unbreak My Heart,’” sey niya.

“Parang kaya kong lumaban sa higupan, parang gano’n, masaya naman."

“Saka aktor talaga si Joshua, feeling ko kung makaka-partner ko siya, macha-challenge din ako bilang isang aktres. Laban lang (nang) laban,” aniya pa.

Ang tanong niyan, game din ba si Joshua? Kung mangyayari 'yan, aba'y may "first" na naman si KaladKaren na magmamarka sa Philippine showbiz!

Imagine, siya na nga ang unang transwoman na nanalo sa kategoryang "Best Supporting Actress" sa kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival kamakailan, kauna-unahang "Star Patrol" guest anchor na transwoman, at kauna-unahang showbiz news presenter sa "Frontline Pilipinas" ng TV5, aba nama'y talagang winner na winner na ang lola n'yo!

MAKI-BALITA: ‘Kapatid na, Kapamilya pa!’ KaladKaren, 2-in1 sayang nararamdaman

MAKI-BALITA: ‘Matapos kina Janella, Jane!’ Joshua, hinigop si Jodi

MAKI-BALITA: ‘Magtira ka naman kay Khalil!’ Joshua halos mukbangin si Gabbi