Kinaantigan ng netizens ang ibinahaging latest Instagram post ni Ellen Adarna matapos nitong balikan ang mga larawan ng anak nila ni John Lloyd Cruz na si Elias na nagdiriwang ng kaniyang ika-5 taong kaarawan ngayong araw ng Martes, Hunyo 27, 2023.

Makikita sa mga larawang ibinahagi ni Ellen ang noong baby pa lang na anak nitong si Elias kung saan sweet na sweet ang mag-ina.

“5 years today my baby boy ❤️ thank you for giving my life purpose and meaning ❤️ For teaching me patience, empathy and unconditional love. See you in a bit! ❤️ Mama loves you forever and ever and ever ❤️ 👩‍👦 #timefliessofast 🥹” mababasang caption sa Instagram post ni Ellen ngayong araw ng Martes, Hunyo 27.

Nagpaabot naman ng kanilang pagbati ang ilan sa mga netizen na nagkomento sa nasabing post.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

happy birthday eliayayas!! ❤️ kahilak man sad ta ani oi, naa pa jud ko pic nag kugos niya using that yellow set.. pre pandemic dayssss. you're one great mama!”

“Happy birthday babbi..😍”

“Happiest birthday Elias! 🎂♥️”

“Happy birthday. Youre an amazing mom”

“Happy Birthday, Elias! ❤️🥳”

Mapapansin namang pinili ni Ellen ang tahimik nitong buhay kapalit ng kaniyang karera sa showbiz na ngayo’y isang “Happy family” kasama ang matagal na ring kasintahang si Derek Ramsay na siyang tumatayong “Father figure” ngayon kay Elias.

Masasabing maganda naman ang relasyon ni Elias sa kaniyang amang si John Lloyd; sa katunayan, ibinida pa nga ng aktor ang mga litrato ng bonding moments nila ng anak noong Father’s Day. 

Matatandaang noong magkarelasyon pa sila ni Loydie, may kumalat na tsikang hindi raw umano ito ang ama ng kaniyang anak, na tila ikinasira ng aktor sa netizens kaya’t napilitan itong mag-lie low muna sa showbiz.