Maging ang Kapuso actor na si Xian Lim ay hindi na napigilan ang sarili at napalaro na rin ng lato-lato, na makikita sa Instagram post na inupload noong Hunyo 24. 

Kinagiliwan ng netizens ang video kung saan mapanonood ang aktor na naglalaro ng lato-lato na hindi makuha-kuha ang tamang beat ng laruan.

Mapanonod din sa video ang ibang version ni Xian ng kaniyang lato-lato na tinawag niyang “Gym version lato-lato.”

Dahil sa hindi pa rin makuha ng aktor ang tamang beat ng paglalaro niya ng lato-lato, idinaan na lang nito sa pag-edit ng video kung saan kuhang-kuhang na ang tamang beat.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Bukod sa mga kwelang komento ng netizens sa nasabing post, ang komento ng kasintahan nitong si Kim ang tila nagpawindang sa isip sa kanilang followers.

“😂😂😂😂😂😂 pa mine po ng black! Yung naka black! 🖤” mababasang komento ni Kim.

Mapapansin sa komento ni Kim na ang Gym version lato-lato o ang kasintahan nito ang tila gustong laruin ng aktres dahil parehas itong itim.

“yours napo sya😁😍❤️🙌😘love you both as always 🙌”

“iyong ito na po 😍😍😍”

“check out mo na at para madeliver na agad😂😂❤️❤️❤️”

“ayieee kilig naman ako sainyo”

“❤️👀❤️of course i know that you're referring to the ManInBlack!!💏don't worry Kimmy!🌸mrRightXian is definitely YOURS!!💪💘💪”

“ yours na po paki screenshot na lang 123 321”

Naka-isang dekadang taon naman na ang magkasintahan sa kanilang relasyon mula pa noong 2013.