Binasag na ng basketball player na si Ricci Rivero ang kaniyang katahimikan hinggil sa hiwalayan nila ng Kapamilya actress na si Andrea Brillantes.

Matatandaang nitong unang bahagi ng Hunyo, tila kinumpirma na ni Ricci Rivero ang umano’y hiwalayan nila ni Andrea sa pamamagitan ng isa Twitter post. Ito ay matapos umanong ma-link ang basketball player kay Beauty Queen at Los Banos, Laguna Councilor Leren Mae Bautista.

MAKI-BALITA: Ricci at Andrea, hiwalay na? Ricci, may pasabog na tweet

Sa programang Fast Talk With Boy Abunda ng GMA-7 nitong Lunes, Hunyo 26, sinabi ni Ricci na noong buwan ng Abril daw nang mapagdesisyunan nila ni Andrea na mag-cool off.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

“Marami na rin po kaming sinusubukang ayusin na problema personally. Hindi naman siya sa may kasing ganito, or may kasalanan or whatsoever. Siguro doon lang sa the way we are sa isa’t isa din ‘di ba. Marami naman siyang pwedeng factors. [It] could be ‘yung maturity naming pareho, pwedeng for whatsoever reason lang. So may mga inaayos kami na sa’kin normal naman para sa isang relationship,” aniya.

“Siguro kailangan lang ng breather, something like that,” saad pa niya.

Inaasahan pa raw ni Ricci na pagkatapos ng naturang cool off ay maaayos din kalaunan ang kanilang relasyon. Ngunit dumating daw ang unang linggo ng May at natuluyan na nga ang naturang hiwalayan dahil umano sa espekulasyon ni Andrea.

“‘Yung breakup was first week ng May talaga,” saad ni Ricci. 

“Yung cause ng breakup was ‘yung speculations ngayon, ‘yung kumakalat sa social media. ‘Yung may nakita siyang girl do’n sa place ko, pero ilang beses naman po naming pinag-usapan ‘to, as in sobrang daming beses na sinabi ko sa kaniya with all the evidence that I have, kasi may mga conversations even with my friends, na hindi po sa’kin ‘yung girl,” ani Ricci.

“May papuntang friend ako ng midnight or madaling araw tapos hindi ko naman alam na may kasama siya. Tapos ‘yun yung inabutan niya (Andrea) that time.”

Ang naturang babae umanong pinagselosan ni Andrea ang siyang kumalat na video online. Naunawan din naman daw ni Andrea ito at naging maayos ang kanilang pag-uusap pagkatapon noon.

Itinanggi naman muli ni Ricci na may kinalaman si Leren sa naturang hiwalay nila ni Andrea, at wala raw silang relasyon.

Matatandaanang pinabulaanan din ni Bautista nitong Hunyo 12 ang usap-usapang mayroon siyang “romantic involvement” ni Ricci.

MAKI-BALITA: Leren Mae Bautista, nagsalita na hinggil sa umano’y ‘romantic involvement’ kay Ricci Rivero

Saad ni Ricci, binasag na niya ang kaniyang katahimikan dahil maging ang pamilya umano niya ay naaapektuhan na rin sa isyu.