Inamin ni "Eat Bulaga!" host at aktor na si Paolo Contis na hanggang ngayon, hindi pa rin sila tinatantanan ng bashers at haters ni Yen Santos, kahit na sabihing tila "naka-move forward" na ang dating karelasyong si LJ Reyes, matapos nitong ihayag na engaged na sila ng non-showbiz fiance na si Philip Evangelista.

MAKI-BALITA: LJ Reyes, engaged na!

Iyan din umano ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi na lamang niya isinama ang partner sa naganap na media conference para sa pelikulang "Ang Pangarap kong Oskars" na latest movie nila ni Joross Gamboa, under MAVX Productions.

"I don’t think you can ever get used to people hating you, especially a relationship that's good for me and for her na okay kami and then people hating on it, which I understand kung bakit, sabihin mo na kung bakit… regardless kung alam nila 'yung buong kuwento or not, they are entitled to their own comments, pero you'll never get used to it," ani Paolo.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang mahalaga raw para kay Paolo, nagmamahalan silang dalawa ni Yen.

Tumanggi naman daw sumagot si Paolo sa mga tanong kaugnay ng kaniyang pagiging ama sa anak nila ni LJ Reyes na si Summer.

Matatandaang inamin ni Paolo sa "Fast Talk with Boy Abunda" ang real score sa pagitan nila ni Yen.

MAKI-BALITA: ‘Worth it ba?’ Paolo ibinunyag dahilan bakit nahulog, tumibok ang puso kay Yen