Nagdulot ng katatawanan sa social media ang "unusual graduation gift" ng netizen na si Benjamin Sarondo sa kaniyang magna cum laude bestfriend na si "Ashley Nicole Gonzalez Bamba" dahil sa halip na mamahaling gamit, pagkain, o bulaklak, isang "lapida" ang handog niya rito.

Ayon sa eksklusibong panayam ng Balita kay Benjamin, may simbolismo raw kung bakit stone tablet ang naisip niyang iregalo sa beshie niya.

"Ang friendship naming dalawa ay filled with fun and laughter even in the most difficult times. I may say that we had near life-and-death situations with the struggles we share with each other," aniya.

"A stone tablet serves as a reminder for both of us that we are accomplished and our college journey has been concluded," dagdag pa ni Benjamin.

Human-Interest

Guro, nakatanggap ng manok, mga rekadong pantinola mula sa pupil

Hindi raw naging madali ang mga pinagdaanan nila sa pag-aaral na halos "ikamatay" nila kaya naman mananatili sa mga alaala nila ang mga pinagdaanan nila matapos ang katapusan ng kanilang pag-aaral.

Parehong nagtapos ng BA Broadcasting ang magkaibigan sa Bulacan State University.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!