Iniulat ng independiyenteng OCTA Research Group nitong Lunes na bumulusok pa sa 6% na lamang ang 7-day testing positivity rate sa National Capital Region (NCR) hanggang noong Hunyo 24.

Batay sa datos na ibinahagi ni OCTA Fellow Dr. Guido David, nabatid na ito ay 1.2 puntos na pagbaba, mula sa dating 7.2% na naitala noong Hunyo 17.

“NCR 7-day testing positivity rate decreased from 7.2% on June 17 to 6% on June 24 2023,” tweet pa ni David.

Ayon pa kay David, bumaba na rin ang positivity rates sa karamihan sa mga lalawigan sa Luzon, Visayas at Mindanao.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Kabilang sa mga lalawigan sa Luzon na nakapagtala ng pagbaba ng positivity rates mula Hunyo 17 hanggang Hunyo 24 ay ang Bataan (24.2% - 21.7%); Batangas (10.8% - 5.3%); Bulacan (7.6% - 6.7%); Camarines Sur (23.3% - 18.8%); Cavite (10.6% - 8.4%); La Union (13.9% - 12.4%); Laguna (10.5% - 7.7%); Oriental Mindoro (17.7% - 8.0%); Palawan (19.5% - 10.1%); Pampanga (21.2% - 17.9%); Pangasinan (21.4% - 18.5%); Quezon (12.4% - 9.5%); Rizal (8.8% - 7.3%); Tarlac (16.6% - 15.0%) at Zambales (12.3% - 9.5%).

Nakitaan naman ng bahagyang pagtaas sa positivity rate ang Isabela (29.2% - 29.9%) habang ang Benguet (13.2% - 15.3%) at Cagayan (13.8% - 16.7%) ay nakitaan ng uptick o pagtaas ng mga kaso ng sakit.

Samantala, ang 7-day testing positivity rates naman sa Cebu (4.3% - 3.8%) at Davao del Sur (3.1%R – 3.2%) ay nananatili aniya sa low o less than 5%, na siyang threshold na itinakda ng World Health Organization (WHO), hanggang noong Hunyo 24.

Nakapagtala naman ng upticks o pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa Agusan del Norte (6.3% - 7.1%)at Zamboanga del Sur (8.5% - 15.6%).

Ang mga lalawigan naman sa Visayas at Mindanao na nakitaan rin ng pagbaba ng positivity rates mula Hunyo 17 hanggang Hunyo 24 ay ang Aklan (53.3% - 14.7%); Iloilo (9.0% - 7.2%); Leyte (10.1% - 6.2%);  Misamis Oriental (14.3% - 6.6%); Negros Occidental (11.4% - 7.6%); at South Cotabato (21.5% - 19.2%).