Trending at sobrang nag viral online sa netizens ang ibinahaging larawan ni John Paul Casino sa kaniyang Facebook account kung saan makikitang nililigpit kaagad ng crew ang kaniyang pagkain matapos nitong umalis at nagpa-sandaling nag-refill lang sa counter ng gravy nitong Miyerkules, Hunyo 21, 2023 na naganap sa Davao, City.

Makikita sa larawang ini-upload ni John Paul sa kaniyang Facebook post na napatulala na lang ito matapos makitang nililigpit na ang kaniyang naiwang pagkain sa kaniyang pwinestuhang lamesa.

Wala na itong nagawa kundi ang panuorin na lang ang service crew kung saan nililigpit na nito ang hindi pa niyang ubos na pagkaing kinakain habang hawak-hawak pa ni John Paul ang bagong refill pa niyang gravy sa nasabing Fast Food Restaurant.

“Nag-refill lang naman ako ng gravy” ang tanging nasabi na lang ni John Paul sa crew.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

“Take-out ko na lang siguro ‘tong gravy ko sir, niligpit mo na pagkain ko” mababasang caption sa Facebook post ni John Paul.

Larawan mula sa FB ni John Paul Casino

Nagbahagi naman ng payo at ng kanilang sariling kaparehas na karanasan ang netizens sa comment section.

“Been there, done that. Kaya minsan pag mag-CCR ako, iniiwan ko na lang bag ko sa table e. Dibale nang mawala yung bag pagbalik ko, wag lang yung pagkaen

“One reason to normalize returning our plates to the counter after eating instead of waiting for the service crew to pick them up.”

“Disadvantage of being single

“My sincerest condolences! I truly understand and share the same sentiment. It's a relatable experience that tugs at the heartstrings. Remember, you're not alone in this culinary struggle!

“Count me in!”

Pumalo na sa halos 200K reacts, 2.8K comments at mayroon namang bilang na 14K shares ang inabot ng kaniyang Facebook post.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!