Kinagiliwan ng netizens ang ibinahaging larawan ng komedyanteng si Wacky Kiray matapos nitong i-upload sa kaniyang Facebook account kung saan makikita na tila uso sa lugar na iyon ang pagiging kalbo nitong Sabado, Hunyo 24, 2023.

Makikita sa larawan na masaya at nakangiti pa ang komedyante na tanaw sa kaniyang likuran ang dalawang lalaking kagaya niyang "kalbo" na nangyari sa Newcastle sa bansang England.

Dahil naman sa event na para sa Filipino community sa Newcastle kaya’t naroon ang komedyante para mag perform at maghatid ng kasiyahan sa mga Pilipinong nandoon.

“Uso pala dito sa Newcastle ang hair style ko eh! 😆 Long Live The King” mababasang caption sa Facebook post ni Wacky.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Naging katatawanan din ang mga naging komento ng netizens sa comment section.

“Baka sila po Yung nawawala mong mga kapatid idol...

“Mas marami palang LATO-LATO diyan.”

“Malapit na maboo ang dragon ball

“Uso ka naman talaga nasa maling bansa ka lang. Long live po diyan

“ISANG PAALALA MULA SA ATING BUTIHING C MR. CLEAN

“Para kaung mga roll on ah haha”

Matatandaang isa sa mga naging regular host ang komedyante sa defunct-noontime show na "Tropang LOL."