Usap-usapan ngayon ng mga ‘Sangka-beshyhan’ ang larawang ibinahagi ni Miss International Queen 2022 na si Fuschia Anne Ravena kung saan makikita ang tila “hubadera” niyang pag-awra ngayong araw ng Lunes, Hunyo 26, 2023 na kasalukuyang nasa Bangkok, Thailand.

Makikita sa larawang ini-upload niya sa kaniyang Facebook post na wala siyang suot na kahit anong damit, kung saan tanging comforter blanket lang ang ipinanakip niya sa kaniyang katawan.

Kitang-kita naman ang kaseksihan at taglay nitong hubog na katawan kaya’t hindi naiwasan biruin siya ng netizens na puwede na raw umano itong sumabak sa Vivamax dahil sa hubadera niyang larawan.

“Hello outside world” mababasang caption sa kaniyang Facebook post.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Narito naman ang mga samot-saring espekulasyon ng kaniyang followers.

“Tapos na reyna reynahan' ngayon sa Vivamax naman sya . Tumabi na kayo Aj raval and Angelie khang.”

“Ready na sa matured role Pokraw

“Modeling carreer unlock na sis dali nah

“ayy bowldstar nakhaaaa”

“Vivamax na yan

“Pokpokan na! Loshlosh byuti kwen”

“halla nagbold na”

Kamakailan lang ay na-ipasa na ni Fuschia ang kaniyang korona sa bagong itinanghal na Miss International Queen 2023 na nasungkit naman ni Miss Netherlands Solange Dekker.

MAKI-BALITA: Miss Netherlands wagi sa Miss International Queen 2023