Tila salitang “Ganda” na lang ang nasabi ng netizens sa kaka-post lang na mga larawan ni Barbie Imperial sa kaniyang bagong ‘Bride look’ kung saan kabilang ito sa mga rumampa sa ‘Inspired Beginnings’ kahapon ng Linggo, Hunyo 25, 2023 na ginanap sa Conrad, Manila.

Umingay ang pangalan ni Barbie kamakailan lang matapos pag-usapan online ang kaniyang naging karakter na si Lizzy bilang isang bride to be sa pelikulang “I Love Lizzy” kasama ang aktor na si Carlo Aquino.

Hindi naman maiwasang ipagkonek ng kaibigan ni Barbie na si Chie Filomeno ang karakter na si Lizzy sa bagong bride look na iyon ni Barbie.

“Kinasal ulet si Lizzy?! tanong nito sa Instagram post ni Barbie.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

oo nambabae yung asawa :)” kuwelang sagot naman ng aktres.

“At the Inspired Beginning event, walked for my love @julianne_syjuco 🩷 l'm so proud of you, Jul! Thank you for making me your bride for this show 👰🏻‍♀️🤍” mababasang caption sa kaniyang Instagram post.

Hindi talaga maka-iila ang angking ganda ng aktres sa kaniyang bagong bride look kung saan dinumog agad ng mga komento ng netizens ang kaniyang latest post sa Instagram ngayong araw ng Lunes, Hunyo 26.

“Beautiful ❤️”

“Ganda moo !”

“paka ganda mo naman Lizzy😍💗”

“the prettiest ✨”

“Gorgeous 😍”

“napakaganda 🥺😭”

Maatatandaang may sariling hugot naman si Barbie sa kaniyang Facebook post kamakailan hinggil sa “mapanakit” na pelikula nila ni Carlo Aquino na “I Love Lizzy”.