Iniulat ng Department of Health (DOH) nitong Lunes na mula Hunyo 19 hanggang 25 ay nakapagtala pa sila ng 3,442 bagong kaso ng Covid-19 sa bansa.

Sa inilabas na National Covid-19 case bulletin ng DOH, nabatid na ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 492 lamang.

National

'Unahan ko na kayo!' Jam Magno, kusang sumuko sa CIDG sa Butuan City

Ito ay mas mababa anila ng 20% kung ikukumpara sa mga kasong naitala noong Hunyo 12 hanggang 18.

Anang DOH, sa mga bagong kaso, 37 ang may malubha at kritikal na karamdaman.

Samantala, iniulat rin ng DOH na noong Hunyo 25, 2023, mayroong 325 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa mga ospital dahil sa Covid-19.

Anila, sa 1,564 ICU beds para sa mga pasyenteng may Covid-19, nasa 204 o 13.0% ang okupado habang nasa 2,274 o 17.7% naman ng 12,855 non-ICU COVID-19 beds ang kasalukuyan ding ginagamit.

Muli rin namang pinapaalalalahan ng DOH ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng Covid-19.

Anang DOH, “Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1. Paalala ng Kagawaran ng Kalusugan na laging magsuot ng best-fitted face mask at kung maaari, manatili sa well-ventilated na mga lugar. Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE. Para sa karagdagang proteksyon laban sa banta ng Covid-19, agad-agaran na tayong magpabakuna at booster.”