Nagdulot ng katatawanan sa social media ang simpleng pagbati ng ina sa kaniyang anak na nagtapos ng Senior High School mula sa Arellano University.

Tila "katapusan" sa pag-aaral ang nais na sabihin ni 'Eliza Pecenio," ina ni Robert Zin P. Pecenio, SHS completer ng Humanities and Social Sciences (HUMSS) strand, subalit iba naman ang dating nito sa mga netizen.

"Congrats anak, katapusan (mo na)," mababasa sa kaniyang Facebook post.

Natatawang nasita naman siya ng mga netizen.

Human-Interest

Guro, nakatanggap ng manok, mga rekadong pantinola mula sa pupil

"Hahahaha katapusan mo na pala eh..."

"Knock, knock, huwag po muna bata pa siya, magka-college pa siya hahaha."

"Nakakagulat sobrang popular na haha."

"Parang yayariin ka ng nanay mo hahaha."

"Nakakatakot pala gumraduate hahaha."

Ayon sa panayam ng Balita kay Zin, hindi naman siya na-offend sa sinabi ng nanay niya, bagkus ay naaliw siya rito.

Sa mas seryosong Facebook post, nagpasalamat si Zin dahil hindi umano naging madali ang SHS journey niya. Kahit nahirapan, nagtapos siya bilang isang honor student.

"Long story short It was a bad time, long story short I survived..."

"My time in senior high school is now officially over. I have so much delight in my heart right now that words forsake me. To close this chapter with these achievements is really compelling."

"Despite the difficulties I've faced during my twelve years of education, I still find it hard to believe that I was successful. Even though it's difficult, at least I have my brothers who have never deserted me and who constantly encourage me in all I do."

"Also expressing my gratitude to my buddies including Jamaica, Chris Jae, Nich, Jorenz, and others. Thank you so much, guys! I love you all so much, and congratulations to all of the grads! Good luck on your future endeavors," aniya.

Congrats sa iyong katapusan... ng pag-aaral sa SHS, Zin!

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!