Usap-usapan ang naging kuwelang video ni actress-TV host-content creator Alex Gonzaga kasama ang actress-beauty queen na si Herlene "Hipon Girl" Budol habang sumasayaw sila ng "MNM" o "Masarap Na Mommy" na awitin ng social media influencer na si Toni Fowler.

Grabe talaga si Alex dahil nagawa pa niyang gayahin si Toni at talagang umeffort na maglagay ng nag-uumapaw na boobey at matambok na wetpaks, na ibinalandra niya sa kaniyang Instagram post.

Halos tumuwad-tuwad na sila ni Herlene sa video na ikinaloka naman ng mga netizen, lalo na ang kaniyang mister na si Mikee Morada.

Tatlong "unamused face emoji" ang ikinomento rito ni Mikee na hindi naman pinalagpas ni Alex.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"@mikee_mo buti wala pa tayo divorce sa Pilipinas," aniya.

Inulan naman ito ng komento mula sa netizens.

"Galit na asawa mo Alex!"

"Lakas ho ng sense of humor ng wife ninyo...My idol!!!"

"@mikee_mo hehehe tanggal po ba lahat ng problema nyo kay Mrs?"

"@cathygonzaga 😂😂😂 malamang bukas maapproved na..."

"@cathygonzaga buti po di ka kinakahiya ng inlaws mo."

"Annulment na lang daw."

"@mikee_mo na iimagine ko yung mukha ni mister sa emoji niya ehh😂😂😂."

MAKI-BALITA: Alex, ‘In my Mommy Oni Era’; tuwad kung tuwad na sumayaw kasama si Herlene